Add your promotional text...


Bilib talaga ako sa pagkatao at dignidad ng taong ito. Kahanga hanga ang dignidad at pagkatao nito: (1)SINUNGALING; (2)Sabi ng Ateng niya na si Senator Imee Marcos AT nang former President Rodrigo Roa Duterte, ang tao na ito ay isang BANGAG, an Illegal Drug User and Addict; (3)Mag- nanakaw or KAWATAN sa kaban nang bayan; (4)Mapag imbot AT mapanggamit sa mga tao; (5)Walanghiya at Walang Utang na Loob, at higit sa lahat (6)Maitim ang budhi at ginagawa ang lahat upang pabagsakin ang bansang Pilipinas at mga taong kalaban niya kung magiging balakid sa plano niyang mamuno ang sarili niya at ang pamilya niya sa kapangyarihan habang panahon o buhay nila.
Ang hindi ko maintindihan ay marami sa mga Pilipino na mga mangmang o mga opisyal ng militar at gobyerno na sadyang gagawa ng kasamaan at labag sa batas kapalit ng pera na suhol ng taong ito para magawa niya ang lahat ng maitim na balak na pinatutupad niya. Halos lahat ay nasa mga kamao niya ngayon. Masahol pa ito sa ama niya na si Ferdinand E. Marcos, Sr. Ang taong PangGulo ng Pilipinas at BANGAG na ito ay handang pumatay at magpapatay ng tao o gumawa ng bawal sa ating saligang batas na hindi nagawa ng ama niya sa kadahilanan na ang ama niya ay isang Abogado at ang BANGAG na ito ay drop out at hindi nakatapos nang kolehiyo.
May dalawang taon pa, kung walang gagawing kabuktutan at kasamaan ang BANGAG na ito bago dumating ang katapusan ng termino niya at mapalitan na siya ni VP Sara Duterte upang makakilos ng maluwag ang mayorya ng mga Pilipino at makamtan ang kaginhawahan at walang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Kung hindi dadayain ang election sa 2028, sa dahilan na ang nakaupo ngayon na comelec chairman na alipores ni BANGAG at milyones na pera ang natanggap sa BANGAG na taong ito, ay siguradong ang magiging Presidente ng Pilipinas ay si VP Sara Duterte.
Dapat ngayon ay gumawa nang paraan ang mga Pilipino sa Pilipinas upang matanggal sa pwesto ang BANGAG na ito at ang mga sindikato niya sa pamahalaan. Huwag nang hintayin ang 2028 upang gumawa ng mapayapang paraan upang matanggal ang BANGAG na ito. Dapat tayong lahat ay magdasal sa ating Panginoong Diyos na gawan niya ng paraan upang mawala sa landas ng bayan ng Pilipinas at mga Pilipino upang maiwasan ang siguradong pagbagsak nang ating bayan sa kamay nang DEMONYONG BANGAG na ito. GOD BLESS THE PHILIPPINES!!!!
HINDI BA TALAGA "LEGAL" ANG SUB-COMMITTEE NG "BLUE RIBBON"?
Hindi tama ang sinabi ni Tito Sotto na "HINDI LEGAL" ang sub-committee ng Blue Ribbon. Base sa Rules of the Senate, ang "Chairman" ng isang standing committee ang may power na magbuo ng Subcommittee mula sa members ng Main Committee. Ang Blue Ribbon Committee Chairman ang pwedeng magtayo ng Subcommittee para mag-hearing sa specific na issue. Hindi direktang bumubuo ang Senate President ng Subcommittee para sa mga standing committees, pero ina-approve ng Senate President ang membership ng lahat ng committees at subcommittees. Ang Senate President rin and may final say sa committee referrals at disputes kung aling committee and hahawak ng isang bill/investigation. Sa practice, kapag may "special" ( "HINDI SUBCOMMITTEE" ) O ad hoc committee na bubuuin ang buong Senado, dadaan ito sa plenary at ang Senate President ang nag-aanounce.
Ang SUBCOMMITTEE ay kailangan para hatiin ang workload ng main committee AT para mag-focus sa specific na technical issue o investigation. EXAMPLE: Sa Blue Ribbon Committee, si Chairman PIA CAYETANO ang pwedeng mag-constitute o bumuo ng Subcommittee para imbestigahan ang isang specific na flood control project. HINDI kailangan ni Senate President Alan Peter Cayetano na siya mismo ang mag-constitute o bumuo, pero dadaan pa rin kay Senate President Cayetano ang approval ng structure. Wala sa Rules of the Senate na dapat idaan sa plenary ang pag-buo ng Subcommittee salungat sa maling sinabi ni Tito Sotto na illegal o hindi legal ang Subcommittee. Iyan ang sinabi ni Senator Rodante Marcoleta sa plenary na mahirap ang mga senators na walang "BACKGROUND" ( hindi sa sinabi ni Erwin Tulfo na "WALANG ALAM" ) sa batas o pag-intindi ng tamang pag-interpret ng batas o legal terms ng probisyon ng Rules of the Senate. BOTTOM LINE: Ang Senate President hindi mismo nagco-constitute ng subcommittee ng standing committees, pero may oversight at approval power ang Senate President. Ang committee chairs ang talagang bumubuo ng subcommittees nila. Basahin ang RULE X, Section 13 ng Rules of the Sanate, na naitakda tungkol sa standing committees AT subcommittees.
